Libre Na

Libre Na

Dati may mga nababasa ako tungkol sa mga Kapwa na nakikilala sila ng mga nagiging panauhin bilang taga-Pandayan at binabalik sa kanila ang pabor. Hindi ko akalain na manyayari ito sa amin. Maliit na bagay man ito para sa iba ito’y malaking bagay para sa amin.
Minsan ay kumain kami sa carinderia dito sa Orani at nag take out din kami para sa Kapwa na nasa tindahan. Sinabi din namin sa tindera na pa add po ng styro, fork and spoon. Sumagot naman ang tindera, “5.00 po yung styro, fork and spoon.” Biglang may isang lalaki na nagsalita, “Mga taga-Pandayan ‘yan. ‘Wag mo na pabayaran. Libre na lang sa kanila yang styro.” Nagulat kami hindi man ganoon kalaki yung halaga na na-free namin pero napakalaking bagay na nakilala nila kami bilang parte ng Pandayan.